Simula 30 Oktubre 2025, ganap nang ipatutupad ang dalawang inaprubahang wage orders para sa pagtaas ng sahod ng mga minimum wage earners at kasambahay sa Central Luzon.
Sa ilalim ng first tranche ng Wage Order No. RBIII-26, makakatanggap ng karagdagang Php 20.00 sa kanilang arawang sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
Narito ang mga bagong rate para sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales (First tranche):
Non-agriculture sector: Php 570.00
Agriculture sector: Php 540.00
Retail and service sector: Php 560.00
Samantalang makakatanggap ng dagdag na Php 30.00 – Php 40.00 sa arawang sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa lalawigan ng Aurora:
Narito ang mga bagong rate para sa Aurora (First tranche):
Non-agriculture sector: Php 530.00
Agriculture sector: Php 515.00
Retail and service sector: Php 475.00
Inaasahang tataas pa ang mga minimum wage rates na ito sa pagpapatupad ng second tranche sa 16 Abril 2026, kung saan magiging buo na ang implementasyon ng mga nasabing wage order.
Kasabay nito, alinsunod sa RBIII-DW-05, Php. 6,500.00 na ang bagong buwanang minimum wage ng kasambahay sa rehiyon.
Layunin ng mga Wage Orders na ito na balansehin ang kakayahan ng mga employer na magpasahod at pangangailangan ng mga manggagawa.